Monday , December 23 2024
Rhea Tan bday Beautederm

Birthday ni Rhea Tan sinuportahan ng mga naglalakihang artista

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGUMPAY ang birthday party ni  Beautéderm founder at chairman Rhea Tan na ginanap sa Luxent Hotel last November 25 na dinaluhan ng kanyang mga celebrity endorser at mga kaibigan sa press.

Dumalo ang mga naglalakihang artista na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Jane Oineza, at Glydel Mercado.

Dumalo rin sina Thia Thomalla, Kakai Bautista, Ysabel Ortega, Thou Reyes, DJ JhaiHo, DJ Cha Cha, KitKat, Ynez Veneracion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, VG Alex Castro, Sunshine Garcia, Anne Feo, Coun. Ervic Vijandre, Darla Suller, Sherilyn Reyes-Tan, Ryle Santiago, Gillian Vicencio, at Luke Mejares na nagpahayag ng kanilang pagmamahal kay Tan.

My heart is full. I am so blessed to have such precious friends, family, and colleagues. They really made my day special,” kuwento ng business magnate.

Malaki rin ang pasasalamat ni Rei sa mga miyembro ng media. Aniya, “It’s definitely been a birthday to remember. Pagpupugay din ito sa mga kaibigan sa media dahil sa tulong nila sa Beautéderm. I am forever grateful.”

Ang empire ni Rei ay patuloy pa ring nagce-celebrate ng 14th anniversary. Pagbibigay halaga ng female entrepreneur sa consumers, “We are a brand that goes beyond what you can see. Beautéderm gives confidence, helps people, and shifts lives. Dahil sa suporta ng consumers, patuloy kaming magpapaganda at magpapabago ng buhay.”

Sa ngayon ay nangunguna pa rin sa merkado ang Beautéderm, na mayroong hangarin na pagandahin sa loob at labas ang bawat Filipino. Pagmamay-ari rin ni Tan ang BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, A-List Avenue, at AKStudios.

As we age, we become wiser and better. We also become more aware of our surroundings and the reality that not everyone will applaud us but we should power through anyway. Show them the power of authenticity and humility. And the takeaway in this celebration is that you show up sincerely,” pagtatapos ng Beautéderm chairman.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …