Friday , May 10 2024
Beauty Gonzales

Beauty ‘di na iiwan ang showbiz

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI na itutuloy ni Beauty Gonzales ang plano niyang mag-quit sa showbiz.

Dati kasi, sa isang interbyu ay nabanggit ni Beauty na iniisip na niyang huminto sa pag-aartista.

Yeah na-erase na,” umpisang paglilinaw ni Beauty. “Kasi there are times na pagod ka as an artist, ‘Ay laos na ako! Pagod na ako. Wala na akong maibibigay.’

“And then suddenly noong na-realize ko na, ‘What else am I gonna do?’

“This really makes me happy, I feel so blessed that everybody loves me also here and I’m blessed na my husband really made me realize na, ‘Tange! This is where you belong, you should continue doing this.’

“And I’m blessed na, ‘Tama ka naman.’

“And ngayon balik na ako sa normal,” ang nakangiting pakli ni Beauty.

Ang mister ni Beauty ay ang art curator na si Norman Crisologo.

Samantala, bida si Beauty sa Stolen Life bilang si Farrah, kasama sina Carla Abellana bilang si Lucy at Gabby Concepcion bilang si Darius.

Sa direksiyon ni Jerry Sineneng, nasa cast din sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.

About Rommel Gonzales

Check Also

Boobay Aparri Cagayan

Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri

MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa …

Liza Soberano

Liza may pa-sulyap sa kaseksihan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI na naman ikinagulat ng lahat ang mga naglabasang fotos ni Liza …

Bato dela Rosa Jonathan Morales Maricel Soriano

Maricel matapang na sinagot, hinarap mga tanong sa Senado

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASOPLA na kung nasopla ni Diamond Star Maricel Soriano ang Senate investigation kaugnay …

Wilbert Tolentino Asoka Makeup challenge

Asoka Makeup challenge ni Wilbert Tolentino viral

HINDI nagpakabog ang content creator, influencer, at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup Challenge na trending …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …