Sunday , December 22 2024
PIStoN Jeepney phaseout rally protest

Welga ng PISTON ‘umarangkada’

MULING naglunsad ng welga sa kalsadaang mga jeepney drivers sa ilalim ngPagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kahapon Lunes, 20 Nobyembre, upang tutulan ang ‘deadline’ ng pamahalaan hanggang 31 Disyembre 2023, na pag-isahin o ikonsolida sila sa pamamagitan ng kooperatiba sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ang tatlong-araw na welga ng PISTON ay nagpapakita ng indikasyon na maraming tsuper at operators ng jeepney ang hindi pabor sa konsolidasyon, dahil mas mababa sa 60% ng traditional jeepney ang lumahok sa PUVMP.

Batay sa datos ng pamahalaan, tanging 95,869 mula sa 170,086 jeepney units sa buong bansa – o 56.37% – ang consolidated hanggang nitong 31 Oktubre 2023, mula nang ito ay maigting na isinulong ni dating Presidente Rodrigo Duterte noong 2017.

Bagamat iginigiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang programa ay hindi naglalayong tanggalin ang tradisyonal na jeepney, bagkus ay i-upgrade ang mga  bahagi nito upang maging environment-friendly ngunit hindi kombinsido ang PISTON. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …