MATABIL
ni John Fontanilla
SIMPLE pero very memorable na ipinagdiwang ng Intele Builders and Development Corporation ang kanilang 37th anniversary.Ang Intele Builders and Development Corporation ay pag-aari ng mag-asawang Don Pedro Bravo (president) at Ma. Cecilia Tria Bravo (vice president).
Kasamang nagdiwang ng kanilang ika-37 taon ang mga anak nilang sina Anthony, Jeru, Maricris, Miguel, at Matthew na ginanap sa Vikings SM MOA, Pasay City.
Nag silbing host si Russel Lim, habang nagbigay kasiyahan naman sina Ima Castro, Sephy Francisco, Wize Estabillo, Klinton Start, Jopper Rill, La Familia Band, Jovan Dela Cruz, at Bravo’s Angels.
Present din ang mga kamag-anak nina Don Pedro at Ma. Cecilia na sina Hazel “Mamita” Amante, Christian Tria, Dhan Amante, Marita Banaban, Lita Amante atbp..
Dumalo rin sina DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM, Ralston Segundo, Raymund Saul, Niño Angeles, Benjamin Montenegro, Xiantell Montenegro, Wilson Ong and Kids, Erlinda Tagle, Theng Corbe, Mark Lua, Angelo Luna, Atty. Liz Besas, Conrado Besas, Otek Lopez, Zach Zion, Des Escubedo, Aian Lazaro, Apple Lazaro, Arwin Rodrigo atbp..
Kasabay ng 37th anniversary ang pagdiriwang ng kaarawan ng mga November celebrant na tauhan ng Intele at ang announcement ng new building ng Intele Builders and Development Corporation.