MATABIL
ni John Fontanilla
BAGO matapos ang taon ay sunod-sunod ang suwerteng dumarating sa kapamilya actress na si Kim Rodriguez.
After nga nitong lumipat ng ABS CBN mula sa GMA 7 ay nagkasunod- sunod na ang dating ng magagandang proyekto ni Kim mula sa Darna, Fractured at ngayon ay ang hit afternoon series na Nag-aapoy Na Damdamin na pinuri ng netizens ang husay sa pagganap bilang Sofia.
Bukod sa mga papuring natatanggap sa Nag-aapoy Na Damdamin ay sunod-sunod din ang endorsement na dumarating dito.
At isa na rito ang pagiging brand ambassadress nito ng Bagin Philippines na kamakailan ay pumirma ng kontrata kasama ang presidente nitong si Mr. Cheng Zhao.
Thankful nga si Kim sa kompanya sa pagkuha sa kanya bilang part ng kanilang family lalong-lalo na kay Mr. Cheng.