Saturday , May 18 2024
Allen Dizon Smart Access Philippines

Allen Dizon pangarap makapagdirehe

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAIS ni Allen Dizon na maging direktor.

“Gusto kong mag-aral kung sakali man,” lahad ni Allen.

“Siguro ‘pag na-reach ko na ‘yung 50 years old ko baka puwede na ako. Kasi now I’m 46, so siguro four more years.

“Gusto ko ‘yung concept ko tapos ako ‘yung magdidirehe.

“Gusto kong mag-aral magdirehe kasi mahirap,” wika pa ni Allen.

Samantala, sa tagumpay ng Abot Kamay Na Pangarap, malaki ang nagawa nito sa kanyang popularidad.

Ngayon kahit na sino nagpapapiktyur sa akin. Kahit saan ako pumunta ang tawag sa akin Doc Carlos,”ang bulalas pa ni Allen.

“Nakakapagod ding magpapapiktyur,” at tumawa si Allen.

Kahit nasa semeteryo siya nitong naraang Araw ng Mga Patay ay marami ang nagpalitrato sa kanya.

“Siguro dalawa, tatlong oras ako sa sementeryo, nag-iilaw ako sa tatay ko, halos lahat nagpapapiktyur,” ang aliw na tsika ni Allen.   

Si Allen ang bagong brand ambassador ng SMART Access Philippines na isang international consultancy na ahensiya na tumutulong sa mga nais mag-migrate at mag-aral sa Australia.

Simula 2014 ay tumutulong na ito sa pag-aayos ng lahat ng kakailanganin, maging ang visa, ng mga nagnanais magkaroon o ipagpatuloy ang edukasyon sa Australia.

May apat na branches ito worldwide— Australia, Nepal, Pakistan at dito sa Pilipinas.

Present sa contract signing bukod kina Allen at manager niyang si Dennis Evangelista, ang owner/founder/director na sina Bibhusan Joshi, at ng country manager na si Stephanie Lasig.

Bukod sa Abot Kamay Na Pangarap ay may mga bagong pelikula si Allen tulad ng Ligalig with National artist Nora Aunor (na idinirehe ni Topel Lee); Abenida (ni Louie Ignacio) na nanalo siyang Best Actor sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy; Pamilya Sa Dilim kasama sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, at Teri Malvar (sa direksiyon ni Jay Altarejos), at ang action film na Off-Load (ni Rommel Ricafort).

Tinatapos na rin ni Allen ang horror family drama na Poon kasama sina Janice de Belen, Ronaldo Valdez, Gina Pareno, at Lotlot de Leon, at ang Acetylene Love with Cannes Best Actress Jaclyn Jose.

Magsasama rin sa isang mainstream na pelikula sina Allen at Carmina Villarroel (na co-star niya sa Abot Kamay Na Pangarap) na kukunan sa Australia early next year.

About Rommel Gonzales

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …