Friday , May 17 2024
Distance Swim ng SLP, lalarga

Distance Swim ng SLP, lalarga sa Nob. 25-26

KABUUANG 800 batang swimmers ang inaasahang sasabak sa ikalawang serye ng The Distance Swim Super Series na nakatakda sa Nobyembre 25-26 sa Muntinlupa Aquatics Center, Brgy. Tunasan,  Muntinlupa City.

Inorganisa ng Swim League Philippines, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang  Lungsod ng Muntinlupa, ang torneo ay bukas sa lahat ng batang swimmers anuman ang kinabibilangang swimming club at organisasyon.

“Kaisa ang Swim League Philippines (SLP) sa panawagan ng Philippine Aquatics Inc., (PAI) para sa kooperasyon at pagkakaisa para wakasan ang pagkakahati-hati sa aquatics community. Lahat tayo, ang layunion ay mapalakas ang sports sa pamamagitan nang pagkakaroon ng matatag na grassroots development program,” pahayag ni SLP president Fred Ancheta-Galang.

Bukas ang torneo sa nga swimmers na nasa Class A, B, C, D at Motivational category. Iginiit ni Ancheta na may dibisyon din para sa Para-swimmers at mga coaches, dating atleta at trainors (Masters).

“May mga fillers na kaming natanggap from different swimming clubs and at this early aabot tayo ng 800,” sambit ni Acheta.

Para sa mga nagnanais pang makiisa at interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa SLP Secretariat sa MOBILE NO.  0917 7140077 O magpadala ng mensahe sa [email protected]. Maaari ring magpadala ng lahok sa [email protected].

Ipinahayag din ni Ancheta ang matagumpay na pagtatapos sa isinagawang SLP-AOSI tryouts para sa binubuong koponan na isasabak sa Asian Open School Invitational (AOSI) Aquatic Championships sa susunod na taon sa Bangkok, Thailand

Isinagawa ang tryouts sa mga torneo ng SLP simula nitong Oct. 7 (Muntinlupa Aquatic Center),  Oct 14 (Cebu City), Oct. 14 (Isabela City), at Oct. 28 (Rizal Memorial Sports Complex). (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …