Monday , December 23 2024
Rox Santos

Vice Ganda, Erik Santos pangungunahan anniversary concert ni Rox Santos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGAGANAP na sa Nobyembre 10 ang isang espesyal na concert na magtatampok sa isang napakahalagang manunulat ng kanta. Yes isang concert na bibigyang halaga naman iyong sumusulat ng kanta.

Ang tinutukoy namin ay ang kilala at marami nang pumatok na awitin, si Rox Santos na nagdiriwang ng kanyang ika-15 anibersaryo.

Ang The Rox Santos 15th Anniversary Concert ay mapapanood sa Music Museum sa November 10, 8:00 p.m..

Si Rox, ang head ng StarPop, sub-label ng Star Music, ang behind-the-scenes music executive at talent, ay isa ring record producer at songwriter. Katunayan, marami na sa mga naisulat niyang kanta ang nag-hit na kinanta ng mga kilala at sikat na singers.

Kaya naman sa kanyang concert, mapapanood sina Vice Ganda, Erik Santos, Kyla, Juris, Maymay Entrataat Kakai Bautista.

At may special guest pa na ayaw pa niyang sabihin. 

My heart is filled with gratitude. I’m inviting everyone to celebrate this milestone with me,” ani Rox.

Sa kabilang banda, si Rox din ang dahilan para makilala ang ibang singer sa pamamagitan ng kanyang komposisyon.

At aminado siyang iba ang saya kapag naghi-hit ang kanta at the same time nakatutulong siya para makilala pa lalo ang kumanta.

Sobrang saya. Iba fulfillment wow nagkaroon ng buhay awitin mo. Nata-touch mo ‘yung life ng tao. Parang wow amazing sobrang powerful talaga ng music. Lalo kapag naka-relate ang tao,” anang songwriter. 

Iba talaga ang music. Sobrang powerful. Pwede ka dalhin sa iba’t ibang lugar, magiging platforms siya,” dagdag pa. 

Si Rox ang kasamang sumulat ng ilan sa mga awitin ni Vice Ganda na Wag Kang Pabebe, Boom Panes,at Corona Ba-Bye Na.

Hindi lahat nabigyan ng ganito. Thankful ako ‘yung mga nasulat at na-produce ko na song ay naging parte ng buhay ng artist and mas fulfilling sa pakiramdam lahat ng tao kinakanta mga ginawa mo,” sabi pa ni Rox.

Kasama rin sa mga mapapanood sa concert anniversary ni Rox ang Agsunta, gayundin si  Alexa Ilacad, ang Bini, sina Klarisse, Jeremy G, ang 1621BC  Anji Salvacion, Annrain, Bryan Chong, Cesca, Drei Sugay,  KD Estrada, Kice, Khimo, Lyka Estrella, Trisha Denise.

Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ni Rox ang pagri-release rin ng anniversary album.

Nag-release na ang Star Music ng first song sa anniversary album ko – ‘yung version ni Kyla ng ‘Hanggang Kailan.’

Ang  Hanggang Kailan ay orihinal na kinanta ni Michael Pangilinan na talaga namang kinagiliwan. At tulad ng pagtangkilik kay Michael balitang maganda rin ang naging pagtanggap ng publiko sa version ni Kyla.

Combination siya ng mga old songs ko na reimagined. It’s a collaboration with different songwriters and artists,” esplika ni

Rox sa kanyang anniversary album. 

Ilan pa sa mga komposisyon ni Rox ang Rampa ni Vice Ganda, Miss Manila ni Angeline Quinto, Nasunog ng Khimo, “

Hilom ni Moira Dela Torre, at Road Trip ni Belle Mariano.

Kaya watch na kayo ng concert ni Rox Santos sa Nov 10 sa Music Museum dahil tiyak masisiyahan kayo sa mapapanood ninyo. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …