Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Most wanted ng NPD huli sa loob ng city jail

INARESTO ng pulisya sa loob ng kulungan ang isang lalaki na wanted at Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng Northern Police District (NPD) sa kaso ng pagpatay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan police chiief P/Col. Ruben Lacuesta ang suspek sa alyas Boyd, 41 anyos, residente ng Brgy. 176 ng lungsod at nakatala bilang No. 1 top most wanted person ng Northern Police District (NPD).

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagwa ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera ng manhunt operation kontra wanted persons nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado, 4:45 ng hapon.

Ani Major Rivera, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 129, noong September 29, 2023 para sa kasong Murder.

Ang akusado ay kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City Jail sa Talimusak St., corner Tanigue St., Dagat-dagatan matapos maaresto sa hindi nabanggit na kaso. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …