MA at PA
ni Rommel Placente
WALANG katotohanan ang balitang hindi na ang Careless ni James Reid ang nagma-manage sa career ni Liza Soberano kundi ang Tita Joni Castillo raw nito. Si Tita Joni ang dating road manager ni Liza noong nasa pangangalaga pa siya ni Ogie Diaz.
Ayon kay Ogie sa pamamagitan ng Showbiz Update YouTube channel nila nina Mama Loi at Ate Mrena, wala itong katotohanan.
Sabi ni Ogie, “Pinabulaanan ‘yan ni Tita Joni na siya na ang magma-manage, hindi nga raw sila nagkikita ni Liza at hindi rin sila nag-uusap. Mayroon silang negosyo at ang ipinapakausap ni Liza sa Tita Joni niya ay representative niya.”
Singit naman ni Mama Loi, may nabasa siyang Facebook post ni Joni na nagsasabing, “You remembered everything? Sana natatandaan mo rin na sinabi ko sa ’yo, pagdating ng panahon na makarating ka sa taas ‘wag na ‘wag mo akong babanggain dahil ako rin ang magpapabagsak sa ’yo.’ Si Liza kaya ang tinutukoy niya rito?”
Opinyon ni Ogie, “Kasi kilala ko si Tita Joni, hindi naman siya naggaganyan cryptic-cryptic post pero tapos itim pa ‘yung background. Ayaw kong pangunahan si Tita Joni hayaan natin siyang magsabi niyan kasi baka mali rin ang interpretasyon natin diyan.
“Sana lang mag-usap sina Tita Joni at Liza or bigyan ni Liza ng pagkakataon ang sarili niya na kausapin ang kanyang tita dahil sa pagkakaalam ko ay nagkatulungan at naging malaking bahagi ng buhay ni Liza at ng kanyang career si Tita Joni.
“Dahil si Tita Joni ang talagang nag-push kay Liza para mag-artista siya at saka grabe para siyang nanay ni Liza,” ani pa Ogie.
Mukhang may kinalaman daw ang nilipatang management noon ni Liza kaya hindi na sila nagkakausap ng tiyahin dahil kahit na wala na ang aktres sa manager niyang si Ogie ay may communication pa rin sila hanggang sa napunta na nga ang dalaga sa Careless.
“Kaya sinasabi ko dapat mag-usap sila kasi mayroon silang negosyo and according to Tita Joni ibang tao raw ang nakikipag-usap sa kanya imbes na si Liza ang kumausap sa kanya tungkol sa business nila kung isasara, itutuloy o ie-extend o ire-renew nila ‘yung contract.
“If I were Liza kausapin niya tita niya tutal mag-tita naman sila, pinsan ng daddy (John Castillo Soberano) at naging malaking tulay ang tita Joni niya sa kanyang buhay at career,” payo pa ni Ogie sa dating alaga.
Samantala, may binasang mensahe si Ogie mula sa kanyang source na nakapirma si Liza sa ibang kompanya sa Hollywood (USA sa Authentic Talent & Literary Management managed by Kyle Pak) na mina-manage rin si Simu Liu at karamihan ay Asian actors.
“Ito raw Authentic Talent & Literary Management ang nagre-represent kay Liza sa Hollywood. Hindi namin ito kino-confirm ha, ito lang ang nakarating sa friend namin sa Hollywood.
“May nagsabi rin sa akin na may sister company ang Careless na nandoon daw si Liza. May nagsabi naman sa akin na ibinu-book niya si Liza at idinadaan sa Careless pero hindi sila nagkasarahan. Si Liza lang naman ang makakasagot nito kung totoo o hindi.
“‘Yung Authentic Talent & Literary Management naman ay based sa New York (USA) at may malaki silang opisina sa LA (Los Angeles) at ito’y na-establish noong 2005,” tsika pa ni Ogie.
Nabanggit pa ni Ogie na mukhang masaya ngayon si Liza sa kanyang career base na rin sa mga ipino-post niya sa kanyang social media account.
Anyway, bukod sa post ng Tita Joni ni Liza ay may ini-repost din ang daddy John nito sa FB na binati ng ABS-CBN ang kanyang anak. Ang caption ay, “I can’t wait ano ilalabas ng mga camp ni Cristy Permin at Ogie ngaun.”
Reaksiyon ni Ogie tungkol dito, “Ano ilalabas namin daddy, eh, ‘di congratulations din.”
Kaya binati ng ABS-CBN News ang aktres ay dahil ipalalabas na ang pelikulang kasama ito sa Hollywood movie na “
Liza Frankenstein sa Pebrero, 2024.
“Ano ba inaasahan mo daddy? Dapat nga hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away dahil wala namang umaaway kay Liza at wala ring umaaway sa ’yo? Dapat ano na lang tayo, positive lang sa buhay ‘wag na ‘yung mga ganyan na may hanash.
“At bilang dating manager ay kailangan ko pa ring tulungan ‘yung bata hindi porke’t nagtapos na ang relasyon (talent at manager) tapos na lahat. At saka nagbabalita kami, kaya ibabalita namin ang ‘Liza Frankenstein,’” aniya pa.