Monday , December 23 2024
Alexis Castro Bulacan Coop Month trade fair

2023 Coop Month trade fair, kumita ng mahigit P200K 

Bilang isa sa mga tampok sa pagdiriwang ngayong taon ng Cooperative at Enterprise Month, may P261,930 ang kabuuang kinita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office matapos isagawa ang Cooperative and Enterprise Month Trade Fair kung saan kabilang din ang DTI Diskwento Caravan at KADIWA ng Pangulo na ginanap sa harap ng Gusali ng PCEDO, Bakuran ng Kapitolyo sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong Oktubre 16-18, 2023.

Sa tatlong araw na trade fair, 50 exhibitors na ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs), kooperatiba, fresh producers at traders at retailers ng consumer products ang nag-alok ng kanilang mga abot-kaya at dekalidad na mga produkto.

Sinabi ni Carmeline Buzon, may-ari ng Tak-da Clothing (Tatak at kinabibilangan Burda) mula sa Bayan ng Guiguinto, kung saan matatagpuan ang mga produkto sa Pasalubong Center kabilang ang mga Baybayin shirts, bucket hats, mga pulseras at kwintas, na nabigyan sila ng oportunidad na higit pang maibenta ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng mga trade fair na isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

“Maraming salamat sa pagbibigay ng oportunidad sa aming mga maliliit na negosyo – na mabigyan kami ng pagkakataon na maipakita at makapagbenta ng produkto namin at makilala na rin ng mga taga Bulacan ‘yung mga ganitong products dito sa ating lalawigan,” ani Buzon.

Ipinagmamalaki naman ni Bise Gobernador Alexis C. Castro ang mga produktong Bulakenyo at sinabi na ang Pamahalaang Panlalawigan ay palaging nakasuporta sa mga Bulakenyong negosyante lalo na sa mga maliliit na negosyante upang matulungan sila na i-promote ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.

“Humahanga ako sa tibay nating lahat dahil kahit maraming pagsubok lalong lalo na noong pandemya—pero ‘yung mga negosyo ninyo ay nandito pa rin at nakatayo pa din. We’re very lucky dahil meron kaming mga katulad ninyo na maipagmamalaki namin sa buong Pilipinas — ang gawang Bulakenyo,” anang bise gobernador.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …