Friday , November 15 2024
Emi Calixto Rubiano Pasay

Tapat at higit na paglilingkod
PASAY MAYOR EMI TARGET SA 3-YEAR PLAN, HEALTHY COMMUNITY

PINULONG ng Pasay City local government unit (LGU) ang Pasay City Nutrition Council (PCNC) para tugunan ang undernourishment sa lungsod na posibleng dala ng sumisirit na halaga ng  pagpapanatili ng healthy nutrition sa bansa.

               Si Mayor Imelda Calixto-Rubiano, LNAP nutrition council chairman, habang si Councilor Joey Calixto-Isidro ang vice chairman.

“A healthy community is a reflection of a healthy and sustainable nutritional framework that we are all proud to be maintaining,” sabi ni Pasay City Mayor Emi.

Sinabi ni Coun. Joey Isidro ang LNAP, inihanda ng local nutrition committee ay mahalagang bahagi ng local development plan at annual investment program ng LGU ng Pasay sa ilalim ng Pasay City Nutrition Resolution No. 2, Series of 2023 na mayroong three-year plan .

Binigyang diin ni Mayor Emi, kailangan nilang magtrabaho nang husto at sobra-sobra kung malalaman nilang may mga tao, lalo na mga bata ang hindi napagkakalooban ng sapat na pagkalinga at nutrisyon.

Target ni Mayor Emi sa taong 2025 ay maaasahan ng  Pasayeños ang “substantial, sustainable nutrition sector,” sa ilalim ng kanyang makatotohanang pagnanais na maipagkaloob ang tapat at higit pa sa sapat na paglilingkod sa mahigit 450,000 mamamayan ng Pasay. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …