Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nakaw burglar thief

Negosyante inaresto sa P68.1-M pekeng akyat bahay robbery

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang negosyante dahil sa pagsisinungaling makaraang palabasin na pinasok ng akyat bahay gang ang kanyang establisimiyento at tangayan ng milyon-milyong halaga ng alahas at iba pa, nitong Sabado, Oktubre 7, 2023.

Sa ulat ni PMAJ Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) nadakip ay nakilalang si Bernard Chua, 40, at residente ng  No. 130, Road 20, Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Siya ay kinasuhan ng Perjury.

Nauna rito, ayon kay Project 6 Police Station (PS 15) chief,  PLTCOL Richard Mepania, ipinaalam ni Chua sa PS 15 na dakong 4:00 ng umaga, Oktubre 7, 2023, na pinasok ng akyat bahay gang na binubuo ng anim na  lalaki na armado ng mga mahahabang baril anghg kanyang BC Cars Trading and Auto Services na matatagpuan sa 130, Reyes St., Road 20, Brgy. Toro, Project 8, Quezon City.

Pinalabas ni Chua na sapilitan pinasok ng mga suspek ang kanyang opisina at tinangay ang mga sumusunod; P22.5M cash; five (5) pirasong relo na nagkakahalaga ng  P12.8M; diamonds na halagang P10M; isang unit Glock 19 9MM pistol ana nagkakahalaga ng P50,000.00; isang unit Glock 17 9MM Pistol na may halagang P50,000.00; isang  unit Rock Island revolver (P20,000.00); isang Bushmaster Rifle cal. 5.56 (P125,000.00); isang Glock 43 9MM pistol (P50,000.00); at isang Sig Saucer P238 cal. 380 pistol (P48,000.00) kung saan umaabot ang lahat sa halagang P68,143,000.00.

Makaraan, sinasabing tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon kung saan sakay ang mga suspoek na Silver Lexus SUV, white Toyota Innova, Black Toyota Innova; green Yamaha Aerox, at black Honda Click motorcycle.

Agad naman inatasan ni QCPD Director, PBrig. Gen. Redrico Maranan ang CIDU na magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Dakong 5:30 ng umaga ng sabado din, agad na kumilos ang CIDU sa pangunguna ni Llapitan sa pinangyarihan. Sa pag-imbestiga, lumalabas na walang nangyaring pagpasok at pagnanakaw ng mga armadong lalaki  at sa footage ng CCTV ng establisimiyento ay wala rin kuha hinggil sa insidente.

Ayon sa mga saksing empleyado ni Chua, anila’y pinilit sila ng kanilang amo na magsinungaling at palabasin na totoong may nangyaring panglolooban sa shop.

Dahil sa mga nakalap na ebidensiya hinggil sa pagsisinungaling ni Chua, dakong 2:30 ng hapon ay dinakip na ng CIDU si Chua na nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Article 183 of the Revised Penal Code (RPC) or Perjury sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Magsilbi sana itong babala sa ating mga kababayan, na ang pagsisinungaling lalo na ang pagrereport ng isang krimen na hindi naman nangyari o gawa gawa lamang ay labag sa batas at may parusang pagkakakulong,” (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …