MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-UUMAPAW sa kasiyahan at ‘di naiwasang maluha ng celebrity businesswoman at philanthropist na si Maria Cecillia Tria Bravo sa labis-labis na kasiyahan dulot ng pagkakaroon ng kanilang kompanya, Intele Builders and Development Corporation ng jingle.
Matagal nang plano ni Ms Cecille na magkaroon ng jingle ang kanilang kompanya, kaya naman nagulat ito at na-sorpresa na sa kaarawan ng kanyang esposo na si Don Pete Bravo at kanilang wedding anniversary maisasakatuparan ang pangarap sa tulong ng kanyang bestfriend na si Raoul Barbosa at Ka-Fam entitled, Komunikasyon at Koneksyon.
Ang jingle ay mula sa panulat ng singer and composer na si Jopper Ril at inawit nina Ima Castro, Sephy Francisco, Jovan Dela Cruz, at Miguel Bravo.
Mapapanood na rin ang music video nito sa Youtube, Facebook, at Tiktok kasama ang Bravos Angels, Showboys, mga tauhan ng Intele Builders Development and Corporation at ang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start.