Sunday , April 13 2025
Mr Grand Philippines 2023

Mga kandidato ng Mr Grand Philippines 2023 guwapo at matatalino 

MATABIL
ni John Fontanilla

GUWAPO, makikisig, at guwapo ang 37 candidates ng Mr Grand  Philippines 2023 na humarap sa mga entertainment media at vloggers last September 18 na ginanap sa Woodwoods Convention  & Leisure Hotel Silang Cavite City, hatid ng  Mastermind Production.

Dalawa sa napipisil naming mag-uwi ng title at korona ang kandidato ng Misamis Oriental (Cedrick Valmores) at Sta Rosa Laguna (JV Daygon) na ibinahagi ang kanilang edge sa kanilang co-candidates para  magwagi.

Ayon kay Misamis Oriental Cedrick, “My edge is my personality, na laging positibo sa lahat ng bagay.

“At naniniwala na wala kang hindi makakamit na pngarap, basta buo ang loob mo at sasamahan ng sipag at tiyaga.”

Ayon naman kay Sta Rosa Laguna JV,

“Actually this is my first pageant, my edge para manalo ako sa kompetisyong ito, to do my best.

Because I believe that I have a pure heart and pure intentions and if you have the pure heart you can win the title.”

Bukod kay Misamis Oriental at Sta Rosa Laguna, standout at malaki rin ang tsansang makapag-uwi ng title sina PJ Rosario (Pangasinan), Jefferson Montibon (Agusan Del Norte), Aries Mentar (Nueva Ecija), Carl Nicol Santiago (Laguna), Raed El Zein (Filipino Community of UAE), Jherald Castañeda (Mandaluyong City), Shawn Krysler Centeno Sulit (Mindoro), Red Arcega (Quezon City), Lawrence Bengua (San Jose Del Monte Bulacan), at John Gindap (Muntinlupa).

Itinanghal namang Darling of the Press sina 

John Gindap (Muntinlupa), Jonathan Mendoza (Tagaytay City), at  PJ Rosario (Pangasinan).

Sponsors choice sina PJRosario (Pangasinan), Jherald Castañeda (Mandaluyong City), Shawn Krysler Centeno Sulit (Mindoro), Lawrence Bengua (San Jose Del Monte Bulacan), at John Gindap (Muntinlupa).

Gaganapin ang coronation night sa Nov. 12, sa Manila Hotel.

About John Fontanilla

Check Also

Buraot Kween

Nora, Vilma, Maricel, at Sharon gustong makatrabaho ni Buraot Kween

MATABILni John Fontanilla TULOY na tuloy ang pagpasok sa showbiz ang isa sa Queen ng …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn Bernardo masaya kahit single

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ni Kathryn Bernardo na in a relationship siya ngayon. Sa isang interview, …

William Thio

William Thio balik-acting 

MATABILni John Fontanilla NAGBABALIK-PELIKULA ang award winning newscaster na si William Thio via Ako Si Kindness ng Love Life Project in …

Kris Bernal

Dibdib ni Kris Bernal pinagtripan ng Orangutan

MATABILni John Fontanilla NAGULAT si Kris Bernal nang biglang halikan at hawakan ang kanyang dibdib ng isang …

Luke Mejares

Luke Mejares live sa Santotito’s  

MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng show ang award winning RNB singer na si Luke Mejares, ang …