I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI ipinagkaila ng writer-director na si Jeffrey Hidalgo na inspired ng foreign na Misery ni Kathy Bates ang latest movie niyang Ligaw Na Bulaklak.
“May mga binago naman kami para mas maging thrilling ang movie,” sabi ni Jeffrey sa mediacon na may appearance rin siyang isang pulis sa Vivamax movie.
Bidang-bida sa movie si Chloe Jenna na obsessed sa bidang si Aaron Villaflor.
Sa mediacon, naiyak si Chloe sa papuring natanggap niya dahil kahit wala siyang takot maghubad, nagustuhan din siya ni direk Jeffrey.
Kabilang din sa pelikula sina Jeric Raval, Marissa Sanchez, Sheree, at ang sexy star na si Shiela Snow.
Streaming na ang Ligaw na Bulaklak sa September 22 at nangangamoy Part 2 ang movie dahil sa surprise ending.