PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PAGKATAPOS makunan ang kanyang mga eksena sa Batang Quiapo last Thursday ay agad na dumiretso sa airport si Coco Martin.
Isa nga ang aktor-direktor sa nasa 30-most popular stars na nagpasaya sa Milan, Italy para sa ASAP Milankahapon Sept. 10.
Headed by Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Bamboo, Piolo Pascual, Erik Santos, Darren Espanto at iba pa. Pinuno nga nila ng saya at aliw ang Mediolanum Forum in Italy.
Kasama rin sina doon sina Moira Dela Torre, Kim Chiu, KZ Tandingan, Inigo Pascual, Maymay Entrata, AC Bonifacio, Jona Viray, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Angeline Quinto, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Lovi Poe, Joshua Garcia, Janella Salvador, Paulo Avelino, Dimples Romana, Ion Perez, Basilyo, Smugglaz, at Kitchie Nadal.
Mag-stay lang ng two to three days si Coco after ng show para sa ilang mga kaanak at close friends sa Europa bago ito babalik sa Pilipinas.