ONIN’s THOUGHTS
ni Niño Aclan
KITANG-KITA ang pagrespeto ng mga senador sa tanggapan ng Ikalawang Pangulo dahil sa kabila ng kontrobersiyal at kuwestiyonableng confidential funds na hinihingi nito ay hindi nagdalawang-isip ang mga senador na aprobahan ang Proposed 2024 Budget ng OVP.
Pero pinatunayan naman nila ang kanilang pagbusisi sa budget ng OVP dahil dumaan din sa mga tanong si Vice President Sara Duterte, bagay na kanyang agarang sinasagot.
At bibilib ka rin naman kay VP Sara, mantakin ninyong sinabi niya sa mga senador, kung hindi ibibigay ito ng kongreso ay okey lang naman sa kanya…ngunit sa huli ay pinalusot ng senado.
Nabasa kaya ng mga senador ang iniisip ni VP Sara? Ano sa palagay mo Onin?