Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Flores

Michael Flores na-scam ng Milyon

RATED R
ni Rommel Gonzales

IDINETALYE  sa amin mismo ni Michael Flores kung paano siya naging biktima ng isang scammer.

Five years ago nag-start ‘yung investment namin, actually maganda naman, eh. 

“And then a couple of months nagtayo rin siya ng sarili niyang networking, doon napunta ‘yung in-invest namin.

“We found out na never pala siyang nagpasok ng sarili niyang pera, ‘yung pera naming mga investor ‘yung ginamit niya para makapagpatayo siya ng sarili niyang networking company.

“So hindi tumagal ng one year nagsara kaagad and unfortunately ‘yung pera ko nandoon, naipit,” umpisang kuwento sa amin ni Michael.

“Unfortunately talagang ‘yung tao nagtatago na, alam mo na, ‘yung the usual.”

Tinanong namin si Michael kung magkano ang kabuuang halaga ng pera niya na naipit sa networking scam.

“Well nasa… may milyon din, eh. Masakit, oo.”

Nakikita pa ba ni Michael ng personal ang naturang scammer?

Actually nagpaparamdam siya kasi once in a while, ini-expose ko na siya, eh. May time nga na nilabas ko na ‘yung mukha nila sa social media.

“And then may mga kausap na rin ako kasi plano na rin namin talagang i-expose ‘tong tao na ‘to and then kakasuhan na rin namin at the same time.

“Sanay siya kasi nakasuhan na eh! Marami nang nagkaso sa kanya pero mukhang nakalulusot siya, eh. Although nakulong na siya before pero siyempre nakapag-bail.”

Hindi raw ganoon kakilala ni Michael ang naturang ka-deal nila.

Iyon din yung mali ko eh, kumbaga mayroon lang akong mutual friend na ini-refer sa akin ‘tong taong ‘to.”

Sa simula raw ng pag-i-invest ni Michael ay kumikita siya.

Pero eventually iyon nga noong nag-shift ‘yung business niya sa iba, gumawa siya ng sarili niyang networking company doon na nagkaproblema.”

Umaasa ba si Michael na maisasauli pa ang kanyang pera?

“Well nagpaparamdam pa naman siya sa akin so, hopefully.

“Pero minsan kasi alam mo ‘yun, ang problema kasi sa laki ng utang niya sa akin magbibigay siya P1k, minsan P2k sabay-biglang ilang araw or linggo even months hindi siya magpaparamdam ulit.

“So that was the time na ilalabas ko siya sa social media kasi nga parang nagtatago na, eh. So paano ko siya, ‘di ba, makakausap kung hindi siya magpaparamdam?

“‘Pag lumabas siya sa social media, nakita niya, ayun magpaparamdam siya ulit.”

Coincidentally, tungkol sa scam ang The Missing Husband na kasali si Michael bilang si Banong.

Tampok din dito sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Jak Roberto,  Sophie Albert, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Shamaine Buencamino, Maxine Eigenmann, Cai Cortez, Patricia Coma, at Bryce Eusebio.

Napapanood sa GMA Afternoon Prime, ito ay idinirehe ni Mark Reyes na siya ring direktor ng Voltes V: Legacy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …