Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Binene VIVA

Bea Binene  masaya sa bakuran ng Viva 

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG happy si Bea Binene sa bakuran ng Viva Entertainment, na nangangalaga sa career niya, dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon.

Natapos ang kontrata ni Bea sa GMA Sparkle at hindi na muling pumirma at lumipat na sa bakuran ng Viva Entertainment.

Tsika ni Bea nang makasama namin kamakailan sa Kapuso Sagip Buhay Bloodletting sa Ever Gotesco Commonwealth, “Masaya ako Kuya John dahil sobrang dami ng proyektong ibinibigay sa akin ng Viva.

“Hopefully magtuloy-tuloy siya, nag-eenjoy po kasi ako sa maraming trabaho.”

Sa ngayon ay busy si Bea sa mga pelikulang ginagawa niya sa Viva Films, malls and out of town shows, at TV guestings.

At kamakailan ay isa ito sa pinarangalan ng Oustanding Men and Women of 2023 bilang Outstanding Actress of the Year na ginanap  sa Music Museum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …