Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Baradong ilong agad pinaginhawa ng Krystall ni FGO

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyong lahat.

         Ako po si Daryll Tupaz, 38 years old, nagtatrabaho bilang part time consultant para sa isang construction company, naninirahan sa Taguig City.

         Bilang consultant, trabaho ko pong i-monitor ang status ng isang construction project lalo na kung malalaking client.

         Kaya nitong kasagsagan ng magkasunod na bagyo nadale po ako ng ubo’t sipon.

         Pagkagaling ko sa isang site, pakiramdam ko mainit na ang mga mata ko saka barado nang husto ang ilong ko. Hindi ko naman maisinga kasi parang naapektohan ang tainga ko kapag suminga nang mapuwersa.

         Pagdating po sa bahay, agad akong pinaligo ng nanay ko ng maligamgam na tubig. Tapos nagsuob ng tubig na may asin. Saka po ako pinakain ng hapunan. After dinner, may inilabas po siyang green sachet (Krystall Nature Herbs) na ibinuhos ang kalahati sa isang tasa ng mainit na tubig. Sabi niya, inumin ko raw ‘yun. Ininom ko naman po. Ang bilis ng dating, unti-unting lumuwag ang barado kong ilong at pamaya-maya pa ay pinawisan na ako. Kasunod no’n ay naghaplos na si mother ng Krystall Herbal Oil kasi sabi niya, “mukhang may lagnat ka.” Siguro, mga 15 minutos akong hinaplos-haplos ni nanay hanggang nakatulog na ako.

         Kaya naman paggising ko kinabukasan, halos walang bakas na ako’y may grabeng sipon. Kaya naman ang buong pamilya po’y talagang bilib sa alaga ni nanay kaagapay ang alagang-Krystall ng FGO.

         Nais kong ipabatid sa inyo Sis Fely ang aming pasasalamat dahil sa napakahusay ninyong mga imbensiyon gaya ng Krystall Herbal Oil, Nature Herbs, Yellow Tablet, Vitamins B1&B6, Soak Powder at marami pang iba.

         Muli, maraming-maraming salamat po.         

DARYLL TUPAZ

Taguig City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …