PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SHOWING pa rin sa mga sinehan sa buong bansa ang GMA Public Affairs produced movie na The Cheating Game.
Ang real-life sweethearts na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang mga bida na talaga namang nagpaka-daring sa kanilang roles and scenes.
May mga nanunukso ngang totoong-totoo ang kanilang mga lambingan, halikan, yakapan at iba pa na ikinakikilig ng kanilang mga adoring fans.
Nag-translate rin sa wide screen ang love nila sa isa’t isa at ‘yung mga tinginang ramdam mong beyond their roles.
Ano pa’t sa puntong ito ng kanilang mga personal lives ay paniniwalaan mong sila na ang susunod na magpapakasal lalo’t openly ay pinag-uusapan nila at tinatawag na Mr and Mrs Cruz ang isa’t isa.