WALANG oras para muling umibig ngayon si Kelvin Miranda kaya naman nanatili itong single at walang girlfriend.
Ayon kay Kelvin, Wala pa akong time for lovelife, mas naka-focus ako ngayon sa trabaho, work muna at saka na lovelife.
“Busy din kasi ako ngayon sa mga trabahong ginagawa ko, kaya wala rin akong time para sa lovelife.
“Maganda rin kasi na once na pumasok ka sa isang relasyon dapat bigyan mo ng oras, pero ‘pag busy ka sa dami ng trabaho wala ka talang time.”
Pero may mga nakaka-date siya, pero hangang date lang at hindi umaabot sa mas malalim na relasyon.
Naniniwala ito na may tamang oras sa lovelife at darating sa kanya ‘yun sa tamang panahon, pero hindi pa ngayon. (John Fontanilla)