Friday , May 17 2024
Ika-305th founding anniversary ng 70IB ng Philippine ARMY matagumpay na idinaos

Ika-35th founding anniversary ng 70IB ng Philippine ARMY matagumpay na idinaos

 Naging matagumpay ang idinaos na ika- 35 taong founding anniversary ng 70th (Matapat Matatag) Infantry Battalion sa ilalim ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na ginanap sa 70IB Camp sa Brgy, Sampaloc sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.

Dumalo sa pagtitipon ang lahat ng Company Commander mula sa Alpha, Bravo, Charlie at Delta Company na nakalataga sa buong probinsya ng Bulacan,Bataan at Pampanga.

Kasunod nito ay  tumanggap ng Plaque of Appreciation ang 12 indibidwal kabilang dito sina dating LPGMA Cong.Arnel Ty, Rev.Jeffrey M Lazaro ng Christian Baptish Church at Rev.Alvin S Bacani mula sa bayan ng Porac sa Pampanga na walang sawang gumagabay sa Matapat Matatag Battalion.

Samantalang 10 kawal naman mula sa ibat-ibang Company (Coy) ang ginawaran ng Military Merit Medal dahil sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga sundalo sa kanilang mga sinumpaang tungkulin sa bayan.

Samantala, pinasalamatan ni Army Battalion Commander, Lt.Col. Ronnel B. Dela Cruz ang  lahat ng komunidad na sumusoporta sa trabaho ng militar sa pagpapanatili ng  katahimikan at kapayapaan.

Gayundin, maging ang mga stakeholders at LGUs na walang sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mamamayan.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …