Friday , November 22 2024
Barbie Francis Tolentino MTRCB

Pagpapalabas ng Barbie ipinapa-ban ng senador 

HINILING ni Sen. Francis Tolentino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag payagang maipalabas ang pelikulang  Barbie sa Pilipinas.

Ang pakiusap ay kasunod ng desisyon ng Vietnam na huwag ipalabas ang naturang pelikula sa kanilang mga sinehan dahil sa isang eksena na nagpapakita ng “nine-dash line” ng China.

Ani Tolentino, “If the invalidated 9-dash line was indeed depicted in the movie ‘Barbie,’ then it is incumbent upon the MTRCB to ban the same as it denigrates Philippine sovereignty.”

“Dapat lang ipagbawal ang pelikulang ‘Barbie’ dahil ang ipinakita nitong 9-dash line ay salungat sa katotohan at ipinawalang-bisa na ng arbitral ruling noong 2016,” giit pa ng senador.

Hinimok naman ni Sen. Risa Hontiveros na maglagay ng babala o disclaimer ukol sa pelikula para ipaalam sa netizens na walang katotohanan nag nine-dash line ng China. 

The movie is fiction, and so is the nine-dash line. At the minimum, our cinemas should include an explicit disclaimer that the nine-dash line is a figment of China’s imagination,” ani Hontiveros.  

Isang pahayag naman ang ipinamahagi ng MTRCB ukol sa pelikula.

Ayon sa kanila, “We confirm that the Board has reviewed the film “Barbie” today, 04 July 2023. At this time, the assigned Committee on First Review is deliberating on the request of Warner Brothers F.E. Inc. for a Permit to Exhibit.  

“Once available, a copy of the Permit to Exhibit or the Committee’s decision will be uploaded to the Agency’s official website.”

Ipalalabas sana ang Barbie sa July 19.  

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …