Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson LCS Group Charly Suarez Yohan Vasquez

Dalawang hari nagsanib
KING WARRIOR CHARLY SUAREZ SANIB-PUWERSA SA KING OF THE NORTH

NAGSANIB-PUWERSA sina Hon. Luis Chavit Singson at ang LCS Group kasama si Charly Suarez para sa nalalapit na laban kay Yohan Vasquez ng Dominican Republic na nakatakda sa 23 Agosto 2023.

                Nitong 1 Hulyo 2023, lumagda sina Singson at Suarez sa pakikipagkontrata sa Top Rank Inc., bilang paghahanda sa nalalapit na laban nina Suarez at Vazquez na gaganapin sa Hard Rock Hotel and Casino sa Tulsa, Oklahoma USA.

                Wala pang talo sa kanyang mga laban, si Suarez ay may record na 15 panalo, na may 9 knockouts. Siya ang kasalukuyang IBF Asia super featherweight, IBO Inter-Continental, WBA Oceania, at WBC Asian Boxing Council super featherweight titles.

Bilang amateur, kinatawan ni Suarez ang bansa noong 2016 Summer Olympics.

                Kinikilala ni Charly sina Singson at ang LCS group sa kanilang kolaborasyon sa Top Rank. Binanggit din ng tituladong boksingero ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang tatay na nagsilbing coach, cornerman, supporter, at dakilang ama sa kabuuan.

Samantala si Vazquez, a.k.a. La Fiera Vasquez ay may mga karanasan ng pakikipaglaban sa Bronx, New York, may record na 25-3-0 (win-loss-draw). Gaya sa iba pang boksingero, umaasa siyang magiging world champion sa hinaharap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

ASEAN PARA Games

Pilipinas Umakyat sa Pinakamataas na Puwesto sa ASEAN Para Games Matapos Umani ng 35 Ginto

h1 NAKHON RATCHASIMA – Magkakasunod na itinala nina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy …