Friday , November 15 2024
Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm BlancPro

Rhea Tan ipinakilala BlancPro kasama si Marian Rivera 

DAHIL sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro.

Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nagbibigay ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa. Layunin nito na tulungan ang consumers na mapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.” 

Naganap ang media launch noong June 29 sa Luxent Hotel sa Quezon City na sinuportahan ng showbiz media at bloggers. 

BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types,” saad ni Anicoche-Tan.

Ipinaliwanag ng respetadong negosyante ang commitment ng BlancPro sa inclusivity, simplicity, at affordability. Dito sa bagong empire ni Tan, mayroong mga produkto na sasagot sa skin concerns ng consumers. Ilan sa mga produkto ay ang Milk Body Wash, Sakura Body Scrub, Charcoal Foam, Phyto-Emerald Moisturizing Soap, Sleeping Mask, at ang Jeju White Brightening and Moisturizing Lotionna ineendoso ni Marian Rivera

Totoong adbokasiya ni Ms. Rhea ang healthy skin, sinamahan pa ng kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao. Aniya, dapat alagaan ang ating mga balat tulad ng pag-aalaga ng endorser nitong si Marian sa kanyang sarili.

Marian Rivera has been a dear friend for many years. As the official endorser of Beautéderm Home, her effectiveness in representing the brand has been undeniable, leading my team and me to select her as the face of BlancPro. Marian embodies grace, confidence, and beauty,” sambit pa ng BlancPro CEO.

Pagpapatuloy ni Anicoche-Tan, “I welcome Marian to BlancPro family. Like our tagline, she really glows like a pro—and glows from within. Through the years, subok ko nang isa siyang totoong kaibigang maaasahan.”

Sagot naman ng Primetime Queen ng GMA, “Ate Rei is an inspiration to everyone—especially to aspiring entrepreneurs. Hangang-hanga talaga ako sa kanya when it comes to business. She is the real deal. She knows what she’s doing and she really knows her consumers. I am forever grateful for her trust and for the trust of her new company. I believe in the products. At mahal na mahal ko si Ate Rei.”

Hinihikayat nina Rei at Marian na suriing mabuti ang mga produkto na binibili sa merkado at tiyaking makatutulong ito sa kanilang skincare journey. Sa BlancPro, mura na, effective pa. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …