Its Showtime TVJ Eat Bulaga

Bakbakan ng 3 noontime show sino ang magwawagi? 

I-FLEX
ni Jun Nardo

TAHIMIK ang bagong Eat Bulaga sa GMA-7 habang ang dalawang show na makikipagbakbakan sa kanila sa July 1 ay non-stop ang invitation sa manonood  gayundin ang hosts ng It’s Showtime noong contract signing nito sa GTV dahil July 1 din ang simula ng pakikipaglaban nila.

Pahayag ni Atty. Felipe Gozon ng GMA sa contract signing, TV war is over na sinang-ayunan naman ni direk Laurenti Dyogi ng Star Magic.

Sa ingay ng noontime shows sa July 1, may choices na ang viewers sa panonoorin.

Excited kaming panoorin kung sino-sino ang guest performers sa tatlong shows sa July 1 at kung ano ang title ng show ng TVJ at Legit Dabarkads.