RATED R
ni Rommel Gonzales
“BATA pa ako nagkikritIko na ako ng pelikula,” tugon sa amin ni Roland Sanchez sa tanong kung bakit naisipan niyang tumawid sa pagdidirehe at pagsusulat ng script. Si Roland, sa tunay na buhay ay isang NBI agent.
“Noong nagkaroon ako ng time gumawa ako ng pelikula kasi siyempre gusto ko na ‘yung mga vision ko as a director, as a writer, magawa ko.”
Ang bagong pelikulang idinirehe niya ay ang Ikigai (Life Is A Beautiful Ride) na mula sa produksyon ng Tropang Short Ride.
Ayon pa kay Roland, ang mga matinding problema ng lipunan, base na rin sa karanasan niya bilang NBI agent ay may kinalaman, sa human trafficking, drug trafficking, at ang agricultural smuggling na tema ng Ikigai (Life Is A Beautiful Ride).
“Iyan ang pumapatay sa mga farmers natin sa countryside.
“Ang Bureau of Customs mismo ang nag-request sa amin na imbestigahan, tulungan sila.”
Bilang direktor at base sa kanyang mga vision, ano pa ang maaari niyang gawin para sa lipunan?
“Ah, number one ‘yung mga pelikula namin transformation na lagi iyan, so meron siyang universal engagement, hindi lamang sa mga Pilipino kundi sa mga European, mga Amerikano.
“When our film about human trafficking, ‘yung EJK was shown sa Philippine Consulate sa New York, ang daming pumuntang Amerikano roon.
“And tuwing nag-iikot ako sa US at European circuits na ganyan, sa mga symposium, universal kasi ang tema ng human trafficking and drug trafficking.
“And this agricultural smuggling this is something new to them, maybe hindi nae-experience ng ibang bansa pero rito sa atin rampant ang smuggling ng mga agricultural products dito sa Pilipinas.”
Kuwento pa ni Roland tungkol sa Ikigai (Life Is A Beautiful Ride)… “Back draft story niya is about agricultural smuggling and tungkol sa mga rider kasi rider kasi ako. We intend to submit the film sa international motorcycle film festivals kaya lang sayang naman, so ito pang-Netflix actually pero sasali muna kami sa mga international film festivals,” sinabi pa ni Roland.