MATABIL
ni John Fontanilla
MALAKI ang respeto ni JC Alcantara sa mga member ng LGBTQIA+ community at handa siyang magmahal ng bading kung may taong darating sa kanyang buhay na magugustuhan niya.
Kuwento nito sa isang interview sa kanya, “Kung puwede ngang magmahal ng bakla, magmamahal ako, eh.”
Hindi naman issue kay JC ang maging bading sa mga proyektong ginagawa.
“Actually, hindi ako naniniwala sa typecast. Mas gusto ko ‘yung kahit anong project ang ibigay sa akin ay gagawin ko.
“Kasi hindi mo rin naman kailangang mamili, eh, lalo na kung nakatutulong ka sa craft mo.
“Like ako, nagma-manifest ako ng mga character at nakukuha ko. Nagugulat ako na like sa DonBelle, sa Hello Stranger, tapos drag queen.
“Gusto ko lang siya habang pinanonood ko tapos naa-attract ko siya hanggang sa makuha ko ‘yung projects kaya sobrang grateful ko na bawat wish ko ay natutupad.”
Mapapanood si JC sa bagong episodes ng Drag You & Me sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment, at Dreamscape Entertainment, kada Biyernes, 8:00 p.m. sa iWantTFC app.