Monday , December 23 2024
062023 Hataw Frontpage

Pembo residents:
SAKLOLO TAGUIG!
Takeover pinamamadali

062023 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NAGPASAKLOLO ang mga residente sa Pembo, Makati City para madaliin ang takeover ng Taguig City upang mailipat na sila bilang mga residente ng lungsod.

Sa harap ng diskusyon sa Taguig-Makati territorial dispute na pinal nang denisisyonan ng Korte Suprema, lumiham sa lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga residente ng Pembo Makati para madaliin ang takeover at mailipat sila bilang mga residente ng lungsod.

Sa dalawang-pahinang liham na naka-address sa mga opisyal ng lungsod mula sa grupong Mandirigma ng Pembo, sinabing mismong sila na mga residente ang gumagawa ng paraan para i-counter ang mga fake news patungkol sa posibleng negatibong idudulot ng final and executory decision ng Supreme Court.

“We would like to make known to you that we are eagerly awaiting for the complete takeover of Taguig City,” nakasaad sa liham.

Layon din ng liham na ipinadala ng mga residente sa Taguig na alamin kung ano ang mga maaari nilang asahan sa lungsod sa oras na maisakatuparan ang takeover, anila, mainam na ilahad ito upang mawakasan na ang fake news at ang agam-agam sa paglilipat ng mga residente.

Inamin din ng mga residente sa kanilang liham na mayroong nangyayaring black propaganda para siraan ang Taguig at mismong mga barangay officials na appointees at nasa holdover position ang nagsasagawa nito.

“They are busy suppressing and twisting the mindset of the people on the issue of Taguig vs Makati. Employees known to be supporters of Taguig are forced to resign. Those people are maligned, shamed, and immediately removed from service without due process,” nakasaad pa sa liham.

Bilang pahuli, sinabi ng mga residente na ang kanilang hangad na mailipat na sa Taguig ay para makaiwas na rin sa sobrang pamomolitika sa Makati.

“We want to be free from suppression and cruelty that has been a result of the family feud of the Binay siblings. Our people only want to have a decent life and work,” giit nito.

Sadyang hindi inilabas ang mga signatory sa nasabing liham bilang proteksiyon din sa mga residente.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …