Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricky Davao Gina Alajar

Ricky at Gina bibida sa senior citizen rom-com ng Net25 Films  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HABANG patuloy na lumalawak at nagtatagumpay ang NET25 sa larangan ng telebisyon, itinatawid na rin ng network ang pagbuo ng mga pelikulang tiyak na kagigiliwan ng mga Filipino. Tampok sa bagong milestone na ito ang tambalan ng dalawa sa mga respetado at mahuhusay na aktor sa bansa, sina Ricky Davao at Gina Alajar sa pelikulang Monday First Screening ng NET25 Films.

Ang pelikula, na tinaguriang “senior citizen rom-com,” ay nakasentro sa kuwento ng dalawang senior citizen na may namuong pagmamahalan mula sa panonood ng mga libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes gaya ng ginagawa ng marami sa ilang mall sa Metro Manila.

Mas makikilala ng mga manonood si Lydia, (Gina Alajar), isang retiradong high school principal na sumasama sa grupo ng mga senior citizen gaya niya para manood ng sine sa mall.

Nagkaroon kahapon ng premiere ng pelikula, sa pamamagitan ng invitational screening, sa EVM Convention Center, Central Avenue, Quezon City. Hindi lamang nito ipinakita ang kauna-unahang pelikula ng NET25, ngunit ito rin ay isang pagkakataon para magbigay-serbisyo sa mga senior citizen.

May libreng medical at eye check-up, libreng gamot, bitamina, reading glass, hearing aid, at ilang wheelchair na ibinigay sa mga lumahok sa programa.

Ang mga senior citizen at miyembro ng pamilya ay nakatanggap din ng libreng serbisyo ng Philhealth at Pag-IBIG Fund. Isang photo booth din ang inihanda para sa mga young at heart.

Kasama rin sa pelikula ang mga award-winning actor na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, at David Shouder, kasama ang umuusbong na love team na dapat abangan-Allen Abrenica at Reign Parani.

Ang Monday First Screening ay idinirehe ni Benedict Mique. Kasama niyang sumulat ng screenplay si Aya Anunciacion habang si Owen Berrico ang director of photography.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …