Monday , December 23 2024

Taguig umapela kay Makati City Mayor Binay:
DESISYON NG KORTE SUPREMA SA TERRITORIAL DISPUTE IGALANG

061223 Hataw Frontpage

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang lokal na pamahalaan ng Taguig kaugnay sa ipinalalabas na pagbubukas muli ng Taguig-Makati territorial dispute bagamat pinal na itong nadesisyonan ng Korte Suprema.

Sa isang statement na ipinalabas ng Taguig City, sinabi nitong itinuring nilang ‘fake news’ ang mga unang kumakalat na social media posts na nagsasabing nakausap ni Makati City Mayor Abby Binay sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Chief Justice Alexander Gesmundo para muling buksan ang kaso ng territorial dispute.

Gayonpaman nang sundan umano ito ng panayam kay Binay noong 7 Hunyo 2023 at sinabi nitong mayroong natanggap na dokumento mula sa Korte Suprema ang Makati City na nagtatakda ng oral argument, ito ay nakaaalarma dahil wala itong katotohanan, sa katunayan walang natatanggap na kautusan ang Taguig hinggil dito.

“For the record, we have not received any notice from the Court setting the case for oral arguments. Mayor Binay herself admitted in her interview that the Supreme Court has not even acted on Makati’s motion to refer the case to the Supreme Court En Banc. Her claim therefore, that they have received a document setting the case for hearing, is unsettling as it gives the impression that they have insider information on matters which are strictly confidential,” pahayag ng Taguig.

Ipinunto ng Taguig, mismong si SC Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka ang naglinaw na walang itinatakdang oral arguments hinggil sa terrirotial dispute dahil nagkaroon na ng Entry of Judgement sa kaso.

“Mayor Binay’s statement during her interview is unfortunate. Not only is it factually inaccurate, but it likewise tends to tarnish the integrity and independence of the judiciary. We ask the Honorable Supreme Court to take notice of these claims from Makati and consider appropriate action,” giit ng Taguig.

Sa pahayag, sinabing mahaba ang itinakbo ng kaso at anumang naging desisyon sa kaso ay dapat igalang.

         “Our legal dispute with Makati has come to an end. However bitter the result may be to the losing party, the final decision must be accepted with good grace. Mayor Binay has conveyed the same sentiment, albeit her behavior speaks otherwise.”

Ang final and executory decision sa Makati-Taguig dispute ay ipinalabas ng SC noong 28 Setyembre 2022 matapos ibasura ang Motion for Reconsideration ng Makati City, sa nasabing desisyon, sinabi ng SC na wala nang anomang pleadings, motions, letters o kahit anong komunikasyon ang tatanggapin kaugnay ng usapin.

Maging ang apela ng Makati na iakyat sa SC en banc ang kaso ay ibinasura rin sa kawalan ng merito at ang tangka nitong paghahain ng ikalawang Motion for Reconsideration ay hindi pinapayagan sa rules of procedure.

Inilinaw ng Taguig, may kompiyansa ito sa national leadership ngunit ang ikinababahala nila ay ang negatibong epekto sa isip ng mga residente sa mga pahayag ng Makati City ukol sa isyu.

“While we do not for a moment give credence to such preposterous claims, as we have unequivocal faith in the integrity of our national leadership, we are aware of the negative impact that such outlandish claims would have on the minds of the public in this era of fake news,” giit ng Taguig.

Bumuwelta rin ang Taguig sa pahayag ni Binay na hindi kayang ibigay ng lokal na pamahalaan ang mga naibibigay ng lungsod gaya ng Makati sa mga residente nito.

“We assure Mayor Binay and the residents of the concerned barangays that Taguig has its own programs and projects which deliver efficient and timely public services aimed at attaining our vision for a transformative, lively, and caring community. What we have we share to the fullest with our fellow Taguigeños, just as the parable of the widow and the two coins teaches us that it is not so much the quantity of the gift but the generosity of giving which is most important,” paglilinaw ng Taguig. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …