I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKU, magbabakbakan na sa korte ang president at owner ng BG Productions International Inc., na si Baby Go laban sa singer-model-actor-businessman na si Marc Cubales.
Kasamang humarap sa media ni Tita Baby ang lawyer niyang si Atty. Ferdie Topacio para ipakita ang kanyang sworn statement.
Ang alam lang ni BG ay husband siya ni Joyce Pilarsky na naging isa sa front covers ng BG Magazine pero wala siyang naging business kay Marc.
Eh sa statement ni BG, naging target siya ni Marc ng, “malicious social media scandal” dahil nabanggit siya (BG) sa libelous post ng hindi magagandang salita gaya ng business/investement scam.
Ayon kay Atty. Topacio, magsasampa ng kasong libel at Cyber Libel si BG laban kay Marc.
Bukas ang pahinang ito kay Marc upang sagutin ang statement ni BG.