RATED R
ni Rommel Gonzales
IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya sa isang show ni Vic Sotto.
“Iyon nga, hindi pa rin ako makapaniwala, eh!
“Like it’s one in a million times opportunity talaga na si Bossing Vic ang makakasama so it’s a blessing, it’s a blessing talaga.
“And I thank GMA for this opportunity, I thank everyone from M-Zet Productions and siyempre I thank Papa God for this amazing opportunity.
“Yeah, super-excited,” ang masayang wika pa ni Bruce.
Ano ang nakita o naobserbahan niya sa pakikipagtrabaho kay Vic?
“Sobrang relaxed niya pagdating sa set. Na parang hindi niya iniisip na trabaho iyon, na parang ‘yung role niya parang siya talaga iyon, ‘yung ipinakikita niya sa screen.
“Nakita ko na professional talaga, eh. Na it’s part of his body, ‘yung pagiging aktor,” saad pa ni Bruce.
Female lead sa Open 24/7 si Maja Salvador bilang si Mikaela at makakasama rin nina Vic (bilang Boss EZ), Maja, at Bruce (bilang Doe) sina Jose Manalo bilang Spark, ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo bilang Kitty at Allen Ansay bilang Al gayundin sina Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy, at Abed Green bilang Fred.
Sa direksiyon ni JR Reyes at mula sa GMA at M-Zet Productions at napapanood na ang Open 24/7 simula niong May 27, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.