Thursday , June 4 2026
Jake Cuenca Gardo Versoza

Jake at Gardo todo-pasalamat sa APT Entertainment

I-FLEX
ni Jun Nardo

NIRESPETO ng media ang request ng TV5 peeps na iwasang magtanong tungkol sa Eat Bulaga sa mediacon ng bagong series na produced ng APT Entertainment na Jack & Jill Sa Diamond Hills na mapapanood this Sunday, May 14, 6:00 p.m. sa Kapatid Network.

Bukod sa cast na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Sue Ramirez, present si direk Mike Tuviera na producer naman ang  trabaho sa sitcom.

In fairness naman sa media, walang nagtanong tungkol kay Mr. Tuviera na involved sa APT Entertainment kahit abot-kamay namin ito na nasa harapan lang namin.

Basta sa mediacon na ‘yon, nabanggit nina Jake at Gardo Versoza ang kabutihan ng APT. Ang APT ang unang nagbigay ng work kay Jake noong pandemic.

Si Gardo naman, pinasalamatan niya ang kabutihan ng APT sa pagtulong sa kanyang hospital expenses noong na-stroke siya.

Paglabas namin, nakasalubong namin si direk Mike. Nagkita kami ng People’s Tonight editor naming na si Ian Farinas na gusto ring makakuha ng pahayag kay direk Mike.

Pero nang kakausapin na namin, biglang nag-excuse at sinagot ang tumawag sa phone. Nawala na siya.

Gayunman, in due time, makakausap din ng media ang namamamahala sa APT Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …