I-FLEX
ni Jun Nardo
NIRESPETO ng media ang request ng TV5 peeps na iwasang magtanong tungkol sa Eat Bulaga sa mediacon ng bagong series na produced ng APT Entertainment na Jack & Jill Sa Diamond Hills na mapapanood this Sunday, May 14, 6:00 p.m. sa Kapatid Network.
Bukod sa cast na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Sue Ramirez, present si direk Mike Tuviera na producer naman ang trabaho sa sitcom.
In fairness naman sa media, walang nagtanong tungkol kay Mr. Tuviera na involved sa APT Entertainment kahit abot-kamay namin ito na nasa harapan lang namin.
Basta sa mediacon na ‘yon, nabanggit nina Jake at Gardo Versoza ang kabutihan ng APT. Ang APT ang unang nagbigay ng work kay Jake noong pandemic.
Si Gardo naman, pinasalamatan niya ang kabutihan ng APT sa pagtulong sa kanyang hospital expenses noong na-stroke siya.
Paglabas namin, nakasalubong namin si direk Mike. Nagkita kami ng People’s Tonight editor naming na si Ian Farinas na gusto ring makakuha ng pahayag kay direk Mike.
Pero nang kakausapin na namin, biglang nag-excuse at sinagot ang tumawag sa phone. Nawala na siya.
Gayunman, in due time, makakausap din ng media ang namamamahala sa APT Entertainment.