NADAKIP ang dalawang indibiduwal na nakatala bilang most wanted person sa lalawigan ng Pampanga sa magkahiwalay na operasyon nitong Lunes, 10 Abril.
Isinagawa ang ng magkasanib na operating troops ng RMFB3 katuwang ang Floridablanca MPS at iba pang konsernadong police unit ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Mario Simon, Top 7 Regional Level MWP sa Brgy. Gutad, sa bayan ng Floridablanca, para sa kasong rape na inilabas ni Presiding Judge Maria Concepcion Araniego Yumang, ng Guagua, Pampanga RTC Branch 53 na walang inirekomendang piyansa.
Gayundin, naaresto ang isa pang suspek na kinilalang si John Marvin Hernandez, Top 4 Municipal Level MWP ng magkasanib na mga elemento ng Porac MPS katuwang ang iba pang concerned police units sa inilatag na manhunt operation sa Brgy. Mabiga, sa lungsod ng Mabalacat para sa kasong Qualified Theft na inisyu ni Presiding Judge Benigno Abila, ng Angeles City RTC Branch 117 na may inirekomendang P48,000 piyansa.
Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang kapulisan ay patuloy sa maigting na kampanya na matunton ang mga indibiduwal na pinaghahanap ng batas para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)