RATED R
ni Rommel Gonzales
VALENTINE gift ni Michelle Dee sa kanyang mga supporter ang muli niyang pagsusumite ng aplikasyon bilang kandidata ng Miss Universe Philippines.
“Binigyan ko po ang supporters ko ng isang malaking regalo.
“Ako po ay muling nag-apply sa Miss Universe Philippines 2023.
“So, kinukuha ko na rin po ang pagkakataon to thank GMA-7 for always supporting me and my dreams and for always giving me opportunities like ‘Mga Lihim Ni Urduja.’
“’Yun po ang Happy Valentine’s ko,” pahayag ni Michelle na gaganap sa karakter ni Freya sa serye, ang primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa February 27.
“Nag-apply ako ulit. Alam din naman po ni Celeste last year pa na may balak po akong sumali ulit this year,” rebelasyon ni Michelle.
“And for me, it’s really about not having regrets in life ‘coz last chance ko na this year. And it’s the kind of example na I wanna show my supporters na just keep fighting until wala ka nang maibigay or hindi mo na kayang gawin,” sinabi pa ni Michelle.
Si Celeste (pronounced as Cheleste) Cortesi ang mahigpit na nakalaban ni Michelle nang sumali ito sa Miss Universe Philippines noong 2022.
Si Celeste ang nanalo ng Miss Universe Philippines crown, at si Michelle ang itinanghal na Miss Universe Philippines Tourism o first runner-up.
Kapag pinalad this time, si Michelle ang lalaban para sa Pilipinas sa 72nd Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa El Salvador sa December 2023.
Huling pagkakataon na ito ni Michelle dahil hanggang edad 27 lamang ang puwedeng sumali sa pgeant na siyang edad ni Michelle ngayon.
***
This film is our truth—Dave sa pagtatapat ng Oras De Peligro at MoM
IPALALABAS sa mga sinehan ang Oras De Peligro, sa direksiyon ni Joel Lamangan, sa March 1, at katapat nito ang pelikula tungkol sa mga Marcos, ang Martyr Or Murderer.
Hiningan namin si Dave Bornea, na gaganap bilang pelikula ng reaksiyon tungkol dito.
“Actually, wala po ako talagang idea eh, outdated nga ako sa mga nangyayari kasi medyo lay-low muna ako sa social media, so more on nag-a-upload lang ako, pero outdated ako sa mga nangyayari sa social media.
“Kung mayroon mang ganoon, if they produced that movie, eh ‘di good for them, ganoon, basta sa amin this film is our truth, so iyon,” pahayag ni Dave na ang mga magulang sa pelikula ay sina Allen Dizon (as Dario) at Cherry Pie Picache (as Beatrice).
Bukod kina Dave, Allen, at Cherry Pie ay nasa cast rin sina Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Crysten Dizon, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano, at Gerald Santos.