Sunday , May 19 2024
Robin Padilla

Sen Robin kinondena pelikula ni Gerard Butler; MTRCB aaksiyon sa panawagan

DAHIL sa mga negatibo at nakatatakot na imahe ng Pilipinas kaya naalarma si Sen Robin Padilla at ipinatitigil ang pagpapalabas ng pelikulang Plane ni Hollywood actor Gerard Butler.

Anang aktor/politiko nababahala siya sa mga eksenang nagpapakita ng mga negatibo at nakakatakot na imahe ng bansa kaya naman nananawagab siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-ban at itigil ang pagpapalabas ng Plane sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

Igniit ng aktor na malinaw na pagsira sa reputasyon ng Pilipinas na posibleng makaapekto sa ekonomiya ang pelikula ni Butler. 

Sinabi pa ni Padilla na maling-mali ang timing ng pelikula lalo’t sinusubukan ng gobyerno na pabanguhin at pagandahin ang bansa.

Samantala, agad naming hiningan ng reaksiyon ang MTRCB sa panawagang ito ni Sen Robin. 

Ani MTRCB Chairman Lala Sotto, ire-re-evaluate nila ang pelikulang Plane bilang tugon sa panawagan ng aktor/politiko.

Narito ang buong statement na ipinadala ng MTRCB:

We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, “Plane.” Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light. The MTRCB will re- evaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people.”

About hataw tabloid

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …