I-FLEX
ni Jun Nardo
IPAGPAPATULOY ng beauty queen turned actress na si Michelle Dee ang kanyang laban sa beauty pageants Never say die na parang Ginebra team ang laban niya, huh.
Ang buong February 14 ay ginugol ni Michelle upang asikasuhin ang muli niyang pagsabak sa beauty pageant sa darating na Miss Universe-Philippines 2023.
Kinompirma ito ni Michelle nang humarap siya sa mediacon ng coming Kapuso series na Mga Lihim na Urduja.Feeling ni Michelle, hindi pa tapos ang journey niya sa aspetong ito kahit na nga may nasasabing siya sana ang ipinanlaban ng banasa sa katatapos na Miss Universe, huh.
Lalabas na leader ng mga bounty hunter si Michelel kasama sina Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at Pacho Magno na makikipagbakbakan nina Kylie Padilla, at Sanya Lopez.
Pasasalamat ni Michelle, “Magagamit ko sa series ang kaalaman ko sa martial arts!”
Sa February 27 sa GMA Primetime matutuklasan ang mga lihim ni Urduja.