Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrique Gil Marian Rivera

Enrique ipapareha kay Marian (sa paglipat sa GMA)

MA at PA
ni Rommel Placente

TOTOO nga kaya ang mga lumalabas na balita na aalis na si Enrique Gil sa ABS-CBN at lilipat na sa GMA 7

Nagdesisyon umano ang binata na lumipat na lang sa Kapuso Network dahil buwag na naman ang loveteam nila ni Liza Soberano.

Mula nang mag-lapse kasi ang kontrata ni Liza sa Star Magic at kay Ogie Diaz ay hindi na siya nag-renew. 

Mas pinili ni Liza na magpa-manage na lang sa Careless Music, ang pag-aaring music label at talent management company ni James Reid para ma-penetrate niya ang Hollywood. Gusto niya kasing makilala bilang Hollywood actress.

And since may koneksiyon si James sa Hollywood, kaya rito na nga lang nagpa-manage si Liza.

Kung matutuloy na maging Kapuso na si Enrique ang sinasabing magiging unang proyekto niya sa GMA 7 ay isang serye, na ang makakapareha niya ay si Marian Rivera.

O, ‘di ba, bongga si Enrique at ipapareha siya kay Marian? Sabagay, big star naman si Enrique. Isa siya sa mga pinakasikat na artista ng ABS-CBN, kaya  deserved niyang ipareha sa  misis ni Dingdong Dantes, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …