Thursday , October 5 2023
Coco Martin Batang Quiapo

Coco at cast ng FPJBQ dinagsa sa Quiapo; Pilot episode naka-341K live concurrent views

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAINIT na tinanggap ng viewers ang pagbabalik-serye ng Hari ng Primetime na si Coco Martin matapos dumagsa ang fans sa Plaza Miranda para sa live public viewing ng FPJ’s Batang Quiapo. Kasabay nito, nakakuha rin ang pilot episode ng 341,509 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Lunes (Pebrero 13).

Nakasama ng fans sa libreng public viewing si Coco at ang ilang cast ng Batang Quiapo tulad nina Cherry Pie Picache, McCoy de Leon, Miles Ocampo, Sen. Lito Lapid, at Christopher de Leon, na sabay-sabay nilang pinanood ang maaksiyong pilot episode na umabot ng halos isang oras.

Taos-pusong nagpasalamat si Coco sa walang sawang suporta na ibinibigay ng mga manonood at sabi niya, “Nakatutuwa kasi na-appreciate nila ‘yung pinaghirapan namin. Kasi talagang dugo at pawis ang ipinuhunan namin para mapaganda ‘yung palabas ngayon. Susulitin namin ‘yung pagmamahal na ibinibigay nila sa amin.”

Top trending topic din sa Twitter sa Pilipinas ang official hashtag na #FPJsBatangQuiapoDay na nakakuha ng higit 22,000 tweets, habang trending din si Coco, #PrimetimeKingIsBack, at #Plaza Miranda

Nakasama naman si Miles sa worldwide trending list para sa nakaaantig niyang pagganap bilang isang babaeng biktima ng rape. 

Bago pa man ang pagtitipon sa Plaza Miranda, una nang nag-ikot sina Coco at ang co-stars niya tulad nina Lovi Poe, John Estrada, Cherry Pie, at McCoy, para sa grand parade noong Pebrero 9. Nilibot nila ang Baclaran, Luneta, Quiapo, at Tondo at nagtagal ito ng halos apat na oras.

Dinumog din ang cast ng Batang Quiapo sa mall show nila sa Cebu noong Pebrero 11 na napanood ng fans ang iba’t ibang special performances. 

Napanood sa pilot episode ng FPJ’s Batang Quiapo ang umaatikabong sagupaan matapos mabigo ang pagnanakaw ni Ramon (Coco). Dahil dito, naging desperado si Ramon na manatili ang linya ng kanyang pamilya kaya ginahasa niya si Marites (Miles), isang inosenteng babae na hindi niya kaano-ano. Sa pagsilang ni Marites ng kanyang anak, makikilala na ng viewers ang astig na karakter ni Tanggol (Coco).

Huwag palampasin ang maaksiyong pagbabalik ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maricel Soriano Roderick Paulate LA Santos

LA nakipagsabayan ng acting kina Roderick at Maricel, In His Mother’s Eyes dadaanin sa dasal para makapasok sa MMFF 2023

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klaseng kurot sa puso ang naramdaman nang mga nakapanood …

Pete Bravo Cecille Bravo

Celebrity Businesswoman Cecille Bravo natupad pangarap na jingle ng kompanya

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan at ‘di naiwasang maluha ng celebrity businesswoman at philanthropist …

 Robin Padilla, Mariel Rodriguez

‘Junior’ ni Robin nag-hello sa live online selling ni Mariel 

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN at trending sa social media ang aksidenteng pag-hello ng  “junior” ni Sen. Robin …

Troy Montero Aubrey Miles Rocky

Pagkawala ng FB page ng anak nina Troy-Aubrey ‘di makatarungan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WE feel for Troy Montero and Aubrey Miles dahil sa ginawang pag-unpublish ng Facebook sa page ng …

KD  Estrada Alexa Ilacad

Proposal ni KD kay Alexa pinag-usapan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANGGALING naman sa Bicol sina KD Estrada at Alexa Ilacad (plus iba pa) dahil pinasaya …