Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz

Seth umamin may namamagitan na sa kanila ni Francine

MA at PA
ni Rommel Placente

AMINADO si Seth Fedelin  na naiinis siya kapag sinasabi ng iba na porke’t may hawig sila ni Daniel Padilla ay ginagaya niya ang kilos at pananalita nito.

Sa “Spill or Swallow” challenge ng Push, game na game sumabak si Seth. At dito nga siya umoo sa tanong kung naiinis siya tuwing may nagsasabing ginagaya niya si Daniel.

Siguro ‘yung ano, ginagaya ko raw si kuya DJ. Minsan naiinis ako. Nagpagupit na nga ako eh, oh, (para hindi na maakusahang kinokopya si Daniel),” natatawang sabi ni Seth nang sumalang siya sa Spill or Swallow challeng ng Push.

Dagdag niya ,”Actually, hindi naman ako naiinis. Parang more on ano lang, ‘Why?’ Bakit? Pero okay lang naman din. I’m thankful pa rin.”

Samantala, natanong ang binata kung may something o kung may namamagitan na sa kanila ng bago niyang ka-loveteam na si Francine Diaz, ang sagot niya, “Mayroon, and actually ‘yung namamagitan namin is I trust her, and she trusts me.

“Kasi pwedeng magkaibigan lang na magkabatian lang, pero may mga deep talks na kami. Ganoon ang pagkakaibigan namin,” paliwanag ng aktor.

Aniya pa, single na single siya ngayon at nakasentro muna ang lahat ng kanyang atensiyon sa kanyang showbiz career.

Sobra nga ang pasasalamat ni Seth sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment dahil napasama siya sa napakalaking cast ng Kapamilya primetime series na Dirty Linen na gumaganap siya bilang si Nico.

Halos lahat is unang beses ko pa lang makatrabaho sa ‘Dirty Linen.’ Mga senior actor, si kuya Z (Zanjoe Marudo), si Tito Epy (Quizon), Tito Joel Torre, marami pa, which is sa akin parang ano ‘yun eh, challenge talaga.

“Kumbaga kailangan kong tapatan ‘yung galawan nila. Kailangan mag-work, eh. So para sa akin challenge ‘yun. And para rin sa akin, bagong kaalaman na naman. Kasi may mga bago tayong matututunan sa mga tao roon eh,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …