Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexandra Sydney Paez Chess

Sa tournament entries
ALEXANDRA SYDNEY PAEZ NANGUNA SA HONG KONG BAUHINIA U-18 INVITATIONAL CHESS CHAMPIONSHIPS

MANILA — Ipapakita ang kanyang husay ni Philippine chess wizard Alexandra Sydney Paez ng Cabuyao, Laguna, 1st year College, Dentistry sa De La Salle Medical and Health Sciences sa Dasmariñas City sa pagtulak ng Hong Kong Bauhinia U-18 Invitational Chess Championships sa 26-31 Disyembre 2022 na gaganapin sa Regal Oriental Hotel, Kowloon City, Hong Kong.

Ang 18-anyos na si Alexandra Sydney, anak ni Philippine Executive Chess Association (PECA) President Dr. Alfredo “Fred” Paez ay miyembro ng DLSMHSI Chess Team na nasa gabay ni multi-titled coach, FIDE Master Roel Abelgas.

Makakasama ni Alexandra Sydney sina Mark Jay Bacojo ng Dasmariñas, Cavite at Ayana Nicole Usman ng Santa Rosa City, Laguna.

Ang iba pang notable entrants ay sina Isaac Hu, Hungi Yun, Guk Han, at Mingeun Song ng South Korea; Yiheng Li, Theodore Lukas Lam, Jamison Eldrich Kao, at Shun Him Leung ng Hong Kong; Hsiu Elliot Wong Yen ng Singapore; Sakkaranant Plakwongsirikul ng Thailand; Jiu Yarng Clarence Foo, Zong Ze Cheah, at Jing Er Claire Foo ng Malaysia.

Ipatutupad ng FIDE rated tournament ang seven rounds Swiss system format na may 90 minutes plus 30 seconds increment playing time.

Nakalaan sa magkakampeon ang HK$ 15,000 plus  trophy at medal. Sa second placer ay HK$7,000 plus  medal, third HK$5,000 plus medal, fourth HK $3,000 plus medal, fifth HK $3,000 plus medal, at sixth and seventh HK $2,000 plus medal. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …