Monday , May 20 2024
Tiffany Grey Sean de Guzman Joel Lamangan

Tiffany Grey, atat na atat matikman si Sean de Guzman

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG spoiled brat at ang maganda and seksing-seksing si Tiffany Grey ay atat na atat matikman si Sean de Guzman, to the point na naghahabol siya sa binata at naging agresibo para magkaroon sila ng lihim na relasyon.

Ito ang makikita sa aktres sa pelikulang My Father, Myself na isa sa official entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Ampon kasi si Matthew (Sean) ng parents ni Mica (Tiffany), kaya ang tingin nila sa dalawa ay parang magkapatid na talaga at dapat na ilihim ang namamagitan sa kanila.

Bukod kina Sean at Tiffany, tampok sa bagong obrang ito ni Direk Joel Lamangan sina Jake Cuenca at Dimples Romana.

Panimulang kuwento ni Tiffany, “I’m the daughter of Amanda and Robert, na ginagampanan nina Dimples Romana and Jake Cuenca. So, ako rito si Mica, which is a spoiled brat daughter here.”

Ang My Father, Myself ay rated R-18 dahil sa maselang tema nito, plus bunsod na rin ng maiinit at kaabang-abang na eksena nina Jake at Sean and Sean at Tiffany.

Gaano ba kainit ang love scene nila ni Sean sa movie?

Nakangiting tugon ni Tiffany, “Hindi ko talagang masasabing mainit n amainit ‘yung love scene namin roon e, kasi ‘yung love scene namin doon is not that wild and not that sexy for me, compare sa nauna naming films.

“I mean, ilang beses na kasi kaming nagkasama sa movies ni Sean at ilang beses na rin kaming nagka-bed scene.”

Pahabol na sagot pa niya, “Pero yes po, may mga scene kami na nude talaga at naka-plaster lang ‘yung bandang ibabang private parts po namin. So, I’m sure na aabangan din iyan ng viewers po.”

Nang natanong kung ano ang reaction ng casts na pinuri sila ni Direk Joel, ito ang sinabi ni Tiffany:

“Unang-una sa lahat, hindi ko talaga alam na isa ako sa gaganap sa movie na My Father Myself. So, nang tinawagan ako ni Nanay Len (Carrillo, manager ni Tiffany), sabi ni nanay, ‘O, ikaw ang isa sa napili rito.’

“Sabi ko, ‘Hala!?’ Kasi wala akong experience e, wala akong like acting workshop, as in wala talaga. Kaya sabi ko, ‘Nay, kaya ko ba ito?’

“So, ayon nga po, nang nalaman ko na si Direk Joel ang direkor sabi ko sa sarili ko, ‘Hala, si Direk Joel pa, patay ako nito.’ Iyong pressure ko, iyong takot ko, pero mayroong excitement…

“Kaya sabi ko, wala na akong magawa, kaya tatanggapin ko ito. Sabi ko (sa sarili ko) it’s time to shine na, like gagawin ako ang lahat. para…

“Kasi sa sobrang daming pinagpilian sa role at isa pa sa lead dito sa movie, at ako iyong napili nila… So, pinagkatiwalaan ako ni Direk Joel, ni Nanay Len…

“Kaya ginawa ko talaga ang lahat-lahat, ginawa ko ang best ko, para makita nila na deserved at worth it iyong pagpili nila sa akin,” mahabang paliwanag ni Tffany.

Kasama rin sa pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose.

Ang pelikulang My Father, Myself ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.

About Nonie Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …