Thursday , June 4 2026
Billy Crawford Vhong Navarro

Billy isa sa nasiyahan sa pansamantalang paglaya ni Vhong 

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Billy Crawford sa mga malalapit na kaibigan ni Vhong Navarro. Kaya naman masaya siya nang malaman na nabigyan ng temporary liberty si Vhong mula sa kinahaharap nitong rape case na isinampa ni Deniece Cornejo noong 2014.

Nakalabas si Vhong ng Taguig City Jail noong December 6, 2022 matapos magpiyansa ng P1-M.

Non-bailable ang kasong rape, subalit pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang actor-host.

Paliwanag ng korte, hindi kinakitaang may great presumption of great guilt si Vhong, kaya puwede itong pansamantalang makalaya.

Siyempre naman, sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito, especially itong Paskong to dapat magkasama ang mga pamilya, ‘di ba?” sabi ni Billy nang ma-interview ni Mama Loi para sa Ogie Diaz Showbiz Update.

Patuloy niya, “Actually, nag-text-an na kami ni Kuys [Vhong] and I’m just really happy sa kanya na, at least, makakasama niya ‘yung anak niya, makakasama niya ‘yung asawa niya, at magiging buo ‘yung Pasko nila.”

Umaasa rin si Billy na magtuloy-tuloy ang pag-usad ng kaso ni Vhong sa maayos na paraan.

“Naging malungkot sa buong industriya at sa buong sa Pilipinas, actually, noong naikulong siya.

“Pero at the end of the day, sana ma-resolve nang tama at sana ipagdasal pa rin natin si Vhong kasi medyo mahaba-haba pa rin ang pagdadaanan niya.

“Siyempre, legal matters na ito hindi tayo puwedeng makisawsaw lang.

“So, kung ako lang, natutuwa ako dahil sa kaibigan ko na nakabalik siya sa pamilya niya ngayong Pasko,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …