I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKALULULA ang budget ng isang Korean series na kinabibilangan ng aktor na si Nico Antonio – P1B, huh!
Ayon sa Facebook post ni Atty. Joji Alonso na mother ni Nico, dumaan sa audition ang aktor bago napunta sa kanya ang role.
Naka-post din ang pictures ni Nico nang makipg-meeting sa director na si Kang Yoong-Sung noong height ng Omicron last January, kasunod ang reading of lines with Soon Hukku (na kilala bilang Mr. Gu in My Liberation Notes) at shooting ni Nico sa Korea last July.
Bukod kay Nico, ang iba pang Pinoy actors na kasama sa series ay sina Bembol Roco, Epy Quizon, Kiko Matos, Art Acuna, Rose Van Ginkel at sa end of Novemer ilalabas ang full trailer at sa December 21, 2022 ang simula ng #DisneyPlus, ayon sa post ng lawyer-producer na proud sa bagong achievement ng anak na si Nico.