MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam kay Boy Abunda ng ABS-CBN, inamin niya na napakahirap magdesisyon kung ano na ang susunod niyang hakbang patungkol sa kanyang television career. Pero inamin niyang gustong-gusto na niyang bumalik sa telebisyon at magkaroon muli ng show.
Matagal nang nababalita na babalik siya sa GMA 7 at kasado na rin ang magiging projects niya sa Kapuso Network. Pero nilinaw niya na wala pa siyang final answer sa lahat ng offers sa kanya.
Sabi ni Boy, “That’s not an easy decision. As I talk now, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa pagsabi kong ‘di ko pa alam. May mga kausap na ako pero wala pa akong pinipirmahan.”
Patuloy niya, “Ang maganda, I will make sure that I will not burn bridges kung matuloy ako sakali kung TV5 o GMA 7. I will make sure makikipag-usap ako nang matino.
“I value relationships. That’s what makes the whole process difficult. I will always say na nag-umpisa ako sa Channel 7 na roon ako natutong lumakad.
“Sa ABS-CBN, lumipad ako. At sa dami ng tumulong I did not do this alone. Ang hirap talaga dahil ang dami kong relasyong pinangangalagaan.”
May mga tao raw na nagsasabi sa kanya na huwag nang lumipat.
“Doon ako sa nakauunawa sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon. Kasi ‘di naman na ako 28 years old.
“I’m not starting a career. I’ve been doing this for so long. Malapit na akong malaos, for the lack of a better word. All of us go. If there’s one immutable law in showbiz, it is nothing lasts forever.
“So I’m at that stage where I want to go back to television. I want to be able to do what I can do best,” mariin pa niyang sabi.
“I wanna go back to television. That much I will say, I wanna go back to television. Ako ay napunta sa digital platform by circumstance. Hindi naman ako digital expert, hindi naman ako digital native.
“Natuto ako because I wanted to do my interviews at sa awa ng Diyos, napagbigyan tayo ng kaunti. Napagbigyan tayo nang malaki, actually,” sabi pa ni Kuya Boy.