Thursday , June 4 2026
Boy Abunda, GMA7

Kuya Boy sa paglipat ng estasyon — Doon ako sa nakauunawa sa sitwasyon 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Boy Abunda ng ABS-CBN, inamin niya na napakahirap magdesisyon kung ano na ang susunod niyang hakbang patungkol sa kanyang television career. Pero inamin niyang  gustong-gusto na niyang bumalik sa telebisyon at magkaroon muli ng show.

Matagal nang nababalita na babalik siya sa GMA 7 at kasado na rin ang magiging projects niya sa Kapuso Network. Pero nilinaw niya na wala pa siyang final answer sa lahat ng offers sa kanya.

Sabi ni Boy, “That’s not an easy decision. As I talk now, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa pagsabi kong ‘di ko pa alam. May mga kausap na ako pero wala pa akong pinipirmahan.”

Patuloy niya, “Ang maganda, I will make sure that I will not burn bridges kung matuloy ako sakali kung TV5 o GMA 7. I will make sure makikipag-usap ako nang matino.

“I value relationships. That’s what makes the whole process difficult. I will always say na nag-umpisa ako sa Channel 7 na roon ako natutong lumakad.

“Sa ABS-CBN, lumipad ako. At sa dami ng tumulong I did not do this alone. Ang hirap talaga dahil ang dami kong relasyong pinangangalagaan.”

May mga tao raw na nagsasabi sa kanya na huwag nang lumipat.

Doon ako sa nakauunawa sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon. Kasi ‘di naman na ako 28 years old.

“I’m not starting a career. I’ve been doing this for so long. Malapit na akong malaos, for the lack of a better word. All of us go. If there’s one immutable law in showbiz, it is nothing lasts forever.

“So I’m at that stage where I want to go back to television. I want to be able to do what I can do best,” mariin pa niyang sabi.

“I wanna go back to television. That much I will say, I wanna go back to television. Ako ay napunta sa digital platform by circumstance. Hindi naman ako digital expert, hindi naman ako digital native.

“Natuto ako because I wanted to do my interviews at sa awa ng Diyos, napagbigyan tayo ng kaunti. Napagbigyan tayo nang malaki, actually,” sabi pa ni Kuya Boy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …